Sunday, July 20, 2008

tisis :]

"ayoko na pumasok"

-4th year SCHOODENTS

hay nako! may pasok nanaman bukas! at kailangan nanaman namin alalahanin ang aming THESIS...

di ko na alam ang gagawin ko... di ko alam kung ipaagpapatuloy ko pa ang thesis ng grupo namin o mag tumbling at kumembot nalang sa harap ni Sir Carel

por yor impormation.. si Sir Carel ang aming guro sa salitang ingles

ayon sa mga dating 4th year na naging SCHOODENTS nya ay terror daw ito pagdating sa pagbibigay ng grado at sa pagchecheck ng mga pinapagawa nyang formal theme.. at ngayong 4th year na ako napagtanto ko na totoo pala ang sinasabi nila :]] grabe! ang hirap makipagsabayan sa kanya sa English dahil kahit sa baba eh dapat mo siya kausapin ng english -,-" ang sakit sa ulo at todo *nosebleed* kami sa klase nya.. kasi kung ano ano ang mga ginagmit nyang salita.. tulad nlang ng MANTRA.. HUH?! ANO DAW?!

hays.. back to thesis :]]


ayun! hirap parin kami pero masaya naman. napapaisip na ako kung ano ang grade na makukuha ko dun sa thesis na ginagawa namin na may pamagat na "How Does TV Viewership Affect the Academic Performance of the SCHOODENTS" :]] grabe naka ilang palit na kami ng topic at buti naman na approve na tong topic na to -,- which is good kasi makakapagumpisa na kami ng mga introduction namin :]


buti by group ang thesis nmen -,- kasi kung mag sosolo ako.. nakikita ko na ang future ko..

isang batang nakapaloob sa isang kahon na pinapalibutan ng mga taong nag totong-its, kumakain ng pandesal na may matamis na bao at humihigop ng mainit na kape.. siguro kasama narin sa naiimagine ko ang mga uhuging batang nagtatakbuhan at nakikikain na hindi ko naman kakilala!

di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko hahaha.. baka taasan lang ni Sir Carel ng kilay ang gagawin kong thesis at sabay lilingon with beautiful eyes =]]


basta goodluck nlang sa akin at sa mga kagrupo ko

pati na rin ang iba pang mga nagluluksa sa pag gawa ng thesis


ciao
marklovestokram

No comments: