Friday, July 25, 2008

selp disiplin :[ part 2

"ano ba yan! JUSTIIIIIIIICE!"
-Johann Santos

yan ang unang maririnig mo sa loob ng classroom.. FIRST THING IN THE MORNING! tsktsktsk..
super! nakow! nung una akong pumasok sa classroom ng justice.. masaya ako.. kasi anjan si dianne! anjan si james! si miltot! si mamy kim! si daph! si meg! at ang mga boys na nagpapasaya ng section namin :].. pero ngayon.. wala na! ayoko na! gusto ko na gumawa ng pangatlong section ng third year at lumipat! tulad nga ng sabi ni milrose

"I'm starting to hate TEN JUSTICE"

grabe! wala na kaming disiplina sa sarili! napakainsensitive na namin! d ko na alam ang gagawin ko.. tinatry ko maging tahimik.. PERO PANO NAMAN YUNG IBA?!

mahirap ibalik ang expectations ng teacher dahil sa mga pinakita naming ugali hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin just to make my classmates quiet.. hindi naman sa todong quiet but yung cooperative at marunong maging sensitive sa nararamdaman ng teacher sa harap na patuloy na nagsasalita pero in fact 5 or wala pang nakikinig! ang sakit nun! siguro hindi pa nila nararanasan yun na salita ka ng salita na wala namang nakikinig sayo! masakit diba? MASAKIT DIBA?!

di ko expect na ang mga classmates ko ay magiging ganito! even I, myself.. hindi ko pinangarap na magkaroon ng ganitong ugali! di ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga kaklase ko para lang maging tahimik kami..

tulad nga ng sinabi ni milrose.. ang isa sa mga concrete na example ay yung kay Mdm.Estrebillo.. nung una.. si Mdm.Estrebillo ay masungit at mataray pero pagkatapos namin magopen forum ay naging nice at mabait si mdm. pero sa nakikita ko.. masyado na ata naming naaabuso ang kabaitan ni mdm. minsan gusto ko nga bigyan ng mahabang homily ang mga kaklase ko pero i know based sa mga nakikita ko sa kanila.. hindi lulubog sa mga utak nila ang mga sinasabi ko at patuloy na magiging maingay!

hays.. ayoko na magkaroon ng part 3 itong blog na to dahil na rin sa sobrang kulit namin! sana eto na ang last ng pagpost ko ng blog na may titulong selp disiplin na samahan mo pa ng malungkot na mukha! yun lng..


ciao
marklovestokram

No comments: