Wednesday, July 23, 2008

selp disiplin :|

hay! parang ang lungkot ng araw na to..
kasi naman eh! sabi saming mga port yir eh wala na raw kaming SELP DISIPLIN :[
meron kasing usapan sa klasrum na pag di daw kami tumino eh aalis ang adbayser namin at maghahanap ng bago!

oo! sinubukan naming baguhin ang sarili namin! kahit pakontikonti eh kaya naman naming tumahimik.. pero yung teacher namin sa istadi piryud d ko alam kung meron siyang speaker sa tenga dahil hindi naman kami ganun katahimik at ginagawa namin ang mga kailangan namin para sa iskwelahan..

may pinagawa samin sa laybrari piryud at yun ang paghahanap ng mga go, grow at glow puds..
patuloy parin ang iba na gumagawa ng kanilang mga pinagpatong na folder na may hugis apa o cone sa salitang inggles :] pero natapos naman namin ang paghahanap ng go glow and grow puds :]

nagulat nalang kami ng pagakyat namin..
EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK!! [sound effect]
umakyat si binibinig cruz kasama ang aming adbayser na si ginang reburiano..
at nakita ko sa mukha ni adbayser na galit na galit siya..
kaya napaisip ako..

ANO ANG MERON?..

nagumpisang sumigaw si adbayser at sinabing wala na daw ba kaming respeto..
AT BAKIT NAMAN?! aking sambit..
si binibining cruz pala ay nagsumbong sa ugali namin na hindi DAW katanggap-tanggap..
hindi kami maingay nung naglalaybrari piryud kami.. pero may mga bulungbulungan dahil na rin siguro sa pagkokopyahan namin ng mga pagkaing go glow at grow..

nagkaroon kami ng talakayan ng aking mga kaklase kung ano ang dapat naming gawin..
napagusapan namin na wala na lng na papansin sa mga maiingay at ikaw na ang bahala sa sarili mo tumahimik.. kung baga.. "KONSENSYA MO NALANG!"

natapos ang talakayan at kumain ng lunch at kumain ng binagoongan na biniyayaan ng maraming mantika at bagoong.. nabusog ako! masarap!! :]]

walang nangyari pagkatapos ng lunch kundi ang magdiscuss.. nakita ko na ang score ko sa exam sa AP na 31/40.. tapos naguwian na at dapat pupunta ako sa kaarawan ni elmarie kaso di kami nakapunta kasi naiwan kami >_<.. kaya nagpasiya nalang kami na kumain sa KENS..

nung isang araw ay nilibre ako ng kaibigan ko kaya ako naman ngayon ang nanlibre :].. pero bago kami kumain.. tinignan muna ang mga litrato ng mga nag-gagandahan at walang kasing gugwapong mga guro :] at binigyan sila ng mga bansag :]]

kumain kami sa kens at nakaubos ako ng 3 gulaman.. 5 crab sticks tempura.. 3 taquitos..
busog na busog ako at gumastos ng...
TANTANANANTANAAAAAAAAAAAN!
89 pesos!
at di ma kasama dun yung bayad ko para sa nilibre kong kaklase..
grabe ang sarap! :]

so yun nakita namin ang iba pa naming mga kaibigan at bumili sila ng tempura sa kens :]]
pauwi na kami ng biglang dumaan ang isa pang kaibigan kaya sumabay na ako sa kanya..

whew! kapagod din tong araw na to :] malungkot pero masaya rin :]
nakakabadtrip nga lng yung G-Tech ko na kakabili palang eh lumubog na yung sulatan tae! 69 pesos din yun!

hanggang dito nlang ulit :]..

ciao
marklovestokram

No comments: