Tuesday, July 9, 2013

Apat na taon na rin ang nakalipas...

Sa bawat pag-angat at pag-lubog ng araw, unti unti akong binago ng sistemang kumakain sa nakararami sa atin.

Sa pagbabalik ko sa pagbasa ng mga nangyari sa nakaraan, pansin ko ang pagbabago sa kung sino ako at sa kung ano ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko rin lubos maisip na ang laki na rin ng pinagbago ng aking sarili. Kung tatanungin, hindi ko inakala na ang nagsulat ng mga nababasa niyo rito dati at ang taong nagsusulat nito ay iisang tao lang pala.

Sa bawat ingay ng electric fan, sa bawat kusot ng tela ng aking kama, at sa bawat "takatak" na ginagawa ng aking keyboard. Unti-unting nanumbalik sa aking isipan ang nangyari sa nakaraan. Kung paano ko pinanghihinayangan ang pagkawala ng isang taong masiyahin na walang ginawa, kundi ang umupo sa harap ng computer. maglog-in sa Friendster at Blogspot, at magtype ng nilalaman ng blog na ito. Unti-unti kong inalala ang dating amoy ng aming bahay na noon ay gawa pa sa kahoy. Unti-unti kong inaalala ang gaspang ng lapag na kinakatapakan ng dating upuan ko habang ako'y naglilibang. Dahan dahan ay pinilit kong ilagay ang dating ngiti ng aking mga labi sa aking ngayo'y matitigas at pilit na ngiti.

Hindi ko maramdaman. Hindi ko maalala. Hindi ko na maibalik.
Tila ba'y nadiktahan na ako ng aking mga maling gawain. Na kung sino ako ngayon, ay dahil sa mga salitang aking natanggap, sa mga nasirang tiwala na aking ibinigay, at sa mga hindi ko inaasahang nangyari sa aking buhay.

Siguro nga ganito talaga ang buhay, na habang dumadagdag ang numero na nakapatong sa iyong edad, ay siya namang pagbawas ng kasiyahang inilaan para sa iyo.

Siguro nga ay kailangan ko na magpaalam, sa dating buhay na ngayon ay inaasam kong ibalik.

Siguro nga ay hindi ako pinalaki upang maging masaya.

Siguro nga ay hindi ko na kaya ibalik pa ang respeto ng mga tao na tila'y nawala na sa akin.

Siguro nga...

Siguro nga...

Hindi ko alam kung ano pang nakalaan sa akin sa mga susunod na araw, buwan, at taon.

Hindi ko alam kung ang Talataburawan ko'y magiging isa pang koleksyon ng masasayang kaganapan sa aking buhay.

Hindi ko alam kung babalik pa itong inaasam kong pagbalik ng dati kong sigla.

Hindi ko alam...

Hindi ko alam...

Kaya sa mga huling sandali ko sa pahinang ito. Ako sana'y pagbigyan na ngumiti kahit sa iilang segundo ng aking pag-alala sa aking sariling gusto kong ibalik.

Ang batang hindi pa nakakain ang kamusmusan at kamalayan.

Ang batang hindi pa binalot ng lungkot.

Ang batang walang ginawa kundi ang magpasaya ng mga taong nasa paligid niya kahit pa ang sarili'y masaktan.

Ang batang ngumingiti ng walang alinlangan.

Ngunit alam ko na lahat ng bagay ay may hangganan. Kaya sa pagkakataong ito ay binibigyan ko na ng hangganan ang pagsusulat nitong mumunting Talaburawan na naging karamay ko sa sandaling panahon ng aking buhay.

Sa aking mga taga-basa, dito na po nagtatapos ang aking pamamahagi ng mga bagay na nagpasaya sa akin.
At kung dumating man ang panahon na masabi kong masaya ulit ang dating batang nagsulat nito, asahan ang aking pagbabalik. Pero sa ngayon ay kailangan ko nang mamaalam. Dahil ang dating batang sabog.. hindi sa droga.. kundi sa kasiyahan, ay hindi na isang batang masaya at may positibong pananaw sa buhay.

Sa uulitin kaibigan...
Maraming salamat sa pagsubaybay sa kakaunting panahon ng aking buhay.

Thursday, June 25, 2009

kolehiyo!

PAALALA: gawin lahat ng nasa *..



*talon!*




nagbabalik! ang talambuhay.. kalokohan.. at kung anu-ano pang shit ng batang sabog!..
sabog sa kasiyahan.. hindi sa droga.. *tawa at palakpakan*

matagal na rin akong hindi nakakapagpost dito.. ilang buwan na rin.. at namimiss ko na ang magkuwento..
ng talambuhay.. kalokohan.. at kung anu-ano pang shit..

netong nakalipas na araw ay naranasan ko na kung ano ang pamumuhay ng isang estudyante ng kolehiyo..
masarap, mahirap, magulo, nakakapagod, masaya, mahirap, mahirap, mahirap.. at MAHIRAP!.. *gulat*

kaya sa isang espesyal na paghahandog.. ikukwento ko ang aking unang araw sa
masarap, mahirap, magulo, nakakapagod, masaya, mahirap, mahirap, mahirap.. at MAHIRAP na mundo ng kolehiyo!.. *palakpakan!*

noon pa dapat june 9 ang unang pasok ko.. pero dahil sa sakit na Influenza A - H1N1 ay napilitan ang DepEd na iurong ang unang araw ng pasukan sa kolehiyo.. kaya nailipat ito ng June 15..

eto! tungkol na talaga sa unang araw.. hahaha.. dami pa sinabi eh.. nagumpisa ang araw.. sobrang nasasabik ako sa araw na to.. bagong kaklase.. bagong uniporme.. bagong room.. bagong paaralan.. bago lahat.. LAHAT.. maliban sa sapatos.. nagising ako ng 9 ng umaga para plantsahin ang isusuot ko.. plantsa plantsa.. tapos.. dumaan muna ako sa paaralang naghubog ng aking katauhan sa nakalipas na sampung taon.. gusto ko muna bumalik bago tuluyang umalis.. wag ka mainis.. ano!?.. ewan.. balik sa pinaguusapan.. bumalik ako sa pinanggalingan.. atsaka umalis..
dumaan muna ako sa bahay ng kabatch ko ng highschool at sabay kami papasok (pumapasok din siya sa parehas na paaralan ngunit ibang kurso ang kanyang kinukuha).. ayun.. sabay kami pumasok.. TRAFFIC.. kaya ang sobrang pagpapapogi ko sa bahay ay NAPUNTA SA WALA.. amoy pawis.. amoy usok.. amoy kilikili.. basa ng pawis.. ang aking likod.. singit.. at kilikili.. dumating ako sa USTe na walang kaalamalam.. para akong batang nawala sa mall.. naghahanap ng mommy.. hahaha.. dumating kasi kami ng 12.. at 1 pa ang pasok ko.. naglakad kami.. lakad ng lakad.. lakad ng lakad.. *repeat 500x*.. nakita namin ang isa pang dating kamagaral.. NAGBABASA NG POCKET BOOK.. OO POCKET BOOK!.. kaya sa mga nakakakilala jan sa nilalang na yan.. obyus kung sino ang katangitanging kabatch natin ang nagbabasa ng pocket book :)).. tapos ayun.. kumain.. at dumating na ang oras ng paghuhusga :)).. ALA UNA NA!!.. oras na para pumunta sa silid aralan.. pagpunta ko sa harap ng gusali.. ay marami ang tao.. siksikan.. ayun.. yung dati kong naglalawang likod, singit at kilikili.. AY NAGING DAGAT.. basang basa na ako.. ng pawis.. mainit ang araw.. TIRIK NA TIRIK! *whoops! napapangiti!* ang araw :).. matagal ako naghintay.. at sa wakas pinapasok na kami.. (nga pala.. nakasalubong ko si julienne.. isang kabatch ko noon na umalis sa school nung grade 4 kami).. hinanap ko ang 305.. yes.. 305.. pumunta ako sa room.. nakita ko ang F305.. pagpasok ko..

ATE FINE ARTS: "Ay kuya! doon po sa kabila ang 305 na arki!"
AKO: *tibok puso.. bilis bilis.. kaba kaba..* "ay sorry!"

NAKOW! unang pagkakamali!.. hahaha.. binengga agad ako ng kapalaran.. sadyang madugo at masakit ito.. *matotouch ka sa sinabi ko at mapapatungo ka at sasabihin mong "oo masakit ang kapalaran at ito'y mahilig magbiro"*.. lipat ako sa TUNAY NA 305..

pumasok ako.. at ayown!.. andun ang mga future classmates.. future classmates.. ata!?..
may nakasabay ako na KAKLASE KO TALAGA.. oo!.. tama ang iniisip nyo!.. MALI NANAMAN AKO NG ROOM!!!!!! sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.. masakit..
kaya pinagana ko ang ninja skills ko.. hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla ko na lang sinabi na..
"AY SHET! MAY NAIWAN AKO!".. sinabi ko na lang yan.. para makumbinsi ang sarili ko na may naiwan nga ako (kahit wala).. hindi ko alam kung gumana ang ninja technic ko sa mga HINDI KO KAKLASE.. ang lupet ng tadhana at kapalaran.. 2 beses nila ako pinaglaruan SA IISANG ARAW! YEAH!..

at sa wakas.. 406! ang tunay kong room!.. pumasok ako!.. at ang tahitahimik.. *skip more hours.. sobrang tahimik at walang nangyari*.. yey uwian na..

rating..
FIRST DAY = 5/10!

at diyan nagtatapos.. ang espesyal na paghahandog.. ng
"ang talambuhay.. kalokohan.. at kung anu-ano pang shit ng batang sabog!..
sabog sa kasiyahan.. hindi sa droga.." *tawa at palakpakan* // *iyak ka kung natouch ka*

Tuesday, February 17, 2009

tisis : ANG PAGTATAPOS

February 16, 2009
-pinaka hindi malilimutang araw

waaaah!..

matagal rin akong natigil sa pagbablog dito :] at buti naman ay nakabalik :]
ilang buwan narin nung huli akong nakapagblog.. :]

soooo.. TAPOS NA ANG P$&@*$#NANG THESIS!.. YEOSH!..
nung una ay kabado kami.. hindi mapakali..

dumating ang araw ng paghuhukom..
nabalot sa makapal na pawis ang aking mukha, kilikili, at singit..
napakagat sa aking mga namamalat na labi..
napagalaw ang aking mga daliri ng pabalikbalik..
nagkaroon ng mga paruparo sa aking sikmura
at pinipilit na iatras ang oras..
ngunit huli naaaaa! HULI NAAA!..

inihanda na namin ang aming powerpoint presentation..
at nakaflash na ito sa screen sa pamamagitan ng projector..

nakasuot ako ng kulay asul na long sleeves..
kailangan daw pormal.. pormal sa damit ng iyong kamatayan..

pumasok na ang THE CAREL.. at nagumpisang bumilis.. ang tibok ng puso ko..
tila isang adik na nasobrahan sa batak :)).. wala na akong ibang nakikita kundi ang mga kasama kong mamamatay sa araw na iyon at and guro sa wikang inggles..

inumpisahan na namin ang pagtatanggol sa aming thesis..
binasa ang introduction hanggang ang conclusion and recommendation..

okay.. maganda naman naming nagawa ang mga ito.. ngunit.. nagumpisa na si guro na magtawag ng mga SCHOODENTS.. upang magtanong.. walang nagtatanong.. kunyari pa akong nagsasabi ng paulitulit na.. "Is there any questions?".. pero sa isip ko.. ang sinasabi ko ay "T@*GINA! WALANG MAGTATANONG!!! MAPAPATAY KO KAYO!!!"

may nagtaas ng kamay! *shit :s*
buti at madali ang tanong.. at nasagot naman ito ng maayos..
dalawang SCHOODENTS pa ang nagtaas ng kamay.. *OMG!*
buti at madadali rin ang tanong nila.. :s

at nagumpisa na magtanong ang guro..
*ZOMFGWTFBBQTERIYAKI*..
ANG HIRAP NG TANONG NIYA!!..

dun ko hiniling.. na sana ay bumalik talaga ang oras..
5 pang tanong at gisadong gisado na kami sa sarili naming mantika..
pwede na kami ihanda sa buffet.. AMP..

gusto ko pakiusapan ang guro ko.. "Sir!!! pwede bang sumayaw nlang sa harap nyu?"
pero hindi pwede!! HINDEEEEEE!!..

at matapos ang nakakatraumang isang oras.. NILAGNAT AKO.. oye!..

ang naging resulta ng aming thesis..

Output = 48.5
Estoque = 45
Barquillo = 43
Catuday = 40
Enriquez = 40

[Iadd nyu yung output sa pangalan at yun yung individual grade..]

para sakin ay hindi patas na ako ang pinakamtaas.. dahil.. deserving kami magkaroon ng pantay pantay na grade.. pareparehas naman kaming nakasagot.. at parehas din ng dami..

buti at tapos na ang araw na yun.. at nilalagnat parin ako :))


Saturday, August 16, 2008

iskulworks

hay patapos na ang 1st quarter at ngayon ay kinukuriri na kami ng aming mga guro upang magpasa ng kanilang mga pinapapasang mga REQUIREMENTS. 4 ang araw ng bakasyon at dahil may seminar ang mga officers kahapon kaya sabihin na naring nabawasan ako ng 1 araw sa aking bakasyon upang gawin ang mga requirements. talagang marami! marami kung marami! mahirap kung mahirap!

isa sa mga kailangan naming tapusin ay yung project sa AP na.. WADDAMADERPAKENGBULLSHELLS sa hirap! kasi ba naman 12 pages na, long bond paper pa! oye~ saya diba?! okay sana kung madali yung topic nung research pero ang research namin ay tungkol sa economic growth ng pinas from 2005 - 2008.. ay! seryoso? title plang.. tsk.. mahirap na! buti naman may mga mababait kaming mga kaklase na nagturo kung saan pwede makahanap ng sources.. at sa awa ng diyos.. wala parin akong mahanap! :]] ewan ko lang! tinatamad nga ako eh! sa isipisip ko na imbis na etong blog entry ang ginagawa ko eh dapat yung proyekto ang ginagawa ko.. siguro sa puntong to.. tapos na dapat ako! OO! mahabang oras ang nasayang ko sa pagtitig sa monitor!

pangalawa sa mga kailangan kong gawin ay yung pinapagawang portfolio ni sir carel.. oo! he's back! and much more scarier than ever *nosebleed*. grabe! nung mga nakaraang araw ay binigay nya samin ang mga quiz results namin! kala namin recorded na kaya tinapon, sinunog at pinangpunas na ng pwet ng mga kaklase ko yung quiz paper eh ayun pla! hindi pa recorded ang mga nagtataasang grades namin sa mga quizes.. susme! grabe talaga! in addition sa mga pinapapasa ni sir carel.. d ko pa tapos yung introduction para sa group namin! sa thesis! siguro tulad nga ng sabi ko sa post ko tungkol sa tisis, siguro kekembot at tatambling nalang talaga ako sa harap ni sir carel! baka sakaling pumasa pa ako!

pangatlo! kailangan naming tapusin yung sabayang pagbigkas na may isang araw lamang para magprepare.. AY?! lokohan?! sabayang pagbigkas isang araw?! grabe! -,- inaasahan mo akong magmemorize ng tula habang gumagawa ng sangkatutak na gawain?! ay! d na uy! sa monday may ensayo pa kami! sana kaya namin! all boys pa! ay! eh ang iingay naming mga boys sa silid aralan! sana may magawa kami!

pangapat.. notbuk sa science.. kasalanan ko to d ako gumagawa eh!

marami pa pero yan nlang.. baka ikaw pa ang magreklamo para sakin! hahaha!!




pde ba to isingit? kahit d related.. =)) kapagod kasi eh dami ko lakad! eto yung outline nya

9:00am -11:00am - Vaccination sa Influenza
1:00pm - 4:00pm - Practice sa SABAYANG PAGBIGKAS
4:00pm - 5:00pm - Church Community Service
5:00pm - 10:30pm - Lakwatsa :]]

geh dito nlang muna!