Saturday, August 16, 2008

iskulworks

hay patapos na ang 1st quarter at ngayon ay kinukuriri na kami ng aming mga guro upang magpasa ng kanilang mga pinapapasang mga REQUIREMENTS. 4 ang araw ng bakasyon at dahil may seminar ang mga officers kahapon kaya sabihin na naring nabawasan ako ng 1 araw sa aking bakasyon upang gawin ang mga requirements. talagang marami! marami kung marami! mahirap kung mahirap!

isa sa mga kailangan naming tapusin ay yung project sa AP na.. WADDAMADERPAKENGBULLSHELLS sa hirap! kasi ba naman 12 pages na, long bond paper pa! oye~ saya diba?! okay sana kung madali yung topic nung research pero ang research namin ay tungkol sa economic growth ng pinas from 2005 - 2008.. ay! seryoso? title plang.. tsk.. mahirap na! buti naman may mga mababait kaming mga kaklase na nagturo kung saan pwede makahanap ng sources.. at sa awa ng diyos.. wala parin akong mahanap! :]] ewan ko lang! tinatamad nga ako eh! sa isipisip ko na imbis na etong blog entry ang ginagawa ko eh dapat yung proyekto ang ginagawa ko.. siguro sa puntong to.. tapos na dapat ako! OO! mahabang oras ang nasayang ko sa pagtitig sa monitor!

pangalawa sa mga kailangan kong gawin ay yung pinapagawang portfolio ni sir carel.. oo! he's back! and much more scarier than ever *nosebleed*. grabe! nung mga nakaraang araw ay binigay nya samin ang mga quiz results namin! kala namin recorded na kaya tinapon, sinunog at pinangpunas na ng pwet ng mga kaklase ko yung quiz paper eh ayun pla! hindi pa recorded ang mga nagtataasang grades namin sa mga quizes.. susme! grabe talaga! in addition sa mga pinapapasa ni sir carel.. d ko pa tapos yung introduction para sa group namin! sa thesis! siguro tulad nga ng sabi ko sa post ko tungkol sa tisis, siguro kekembot at tatambling nalang talaga ako sa harap ni sir carel! baka sakaling pumasa pa ako!

pangatlo! kailangan naming tapusin yung sabayang pagbigkas na may isang araw lamang para magprepare.. AY?! lokohan?! sabayang pagbigkas isang araw?! grabe! -,- inaasahan mo akong magmemorize ng tula habang gumagawa ng sangkatutak na gawain?! ay! d na uy! sa monday may ensayo pa kami! sana kaya namin! all boys pa! ay! eh ang iingay naming mga boys sa silid aralan! sana may magawa kami!

pangapat.. notbuk sa science.. kasalanan ko to d ako gumagawa eh!

marami pa pero yan nlang.. baka ikaw pa ang magreklamo para sakin! hahaha!!




pde ba to isingit? kahit d related.. =)) kapagod kasi eh dami ko lakad! eto yung outline nya

9:00am -11:00am - Vaccination sa Influenza
1:00pm - 4:00pm - Practice sa SABAYANG PAGBIGKAS
4:00pm - 5:00pm - Church Community Service
5:00pm - 10:30pm - Lakwatsa :]]

geh dito nlang muna!

Wednesday, August 13, 2008

guro

may payat
may mataba
may maitim
may maputi
may maganda
may gwapo
may panget
may pandak
may matangkad
may mabait
may masungit
may lalake
may babae
may bading
may tibo
may silahis
may magaling magturo
may hindi magaling magturo
may tamad magturo
may istrikto
may maluwag
may matino
may maluwag ang turnilyo sa ulo
may bata
may matanda
may di katandaan
walang patay
may makulit
may hindi
may malikot
may naiistroke
may magaling sumayaw
may parehas na kaliwang paa
may mahaba ang pasensya
may maikli ang pasensya
may palabiro
may laitera
may laitero
may pikon
may sports
may magaling magbasketball
may magaling kumanta
may magaling magvolleyball
may magaling magswimming
may magaling magdrawing
may magaling magpatawa
may magaling mangasar
may malakas mangalaska
may friend ng lahat
may kaaway ng lahat
may english ng english
may tagalog ng tagalog
may singkit
may mukhang puyat
may mukhang patay
may mukhang masigla
may masigla
may mukhang matamlay
may matamlay
may mayaman
may maykaya
may mahirap
may pulubi
may taong grasa
may buntis
may hindi buntis
may papansin
may pakielamera
may pakielamero
may epal
may pampam
may mabaho
may mabango
may mapapel
may humble
may walang nunal
may merong malaking nunal
may merong sense kausap
may walang sense kausap
may merong kwenta
may walang kwenta
may mabuhok ang kilikili
may kalbo ang kilikili
may mabaho ang kilikili
may mabasang kilikili
may mahaba ang buhok
may maikli ang buhok
may mukhang businessman
may mukhang preso

*hingal* ano! may ano!... *hingal*..
ano merong ano.. may ano!.. *atake sa puso*
merong.. me..
ma...may... arghhh..





*nalagutan ng hininga*

Monday, August 11, 2008

Friends do come and go

yes they do :[

Sunday, August 10, 2008

Heben en Urrt :]

Ang pinakahihintay ng wala
Ang pinakaaabangan na bagong post
Ang mas pinasarap
Mas pinalasa
Mas pinalutong
At mas.. ay ewan!

Ngayon ko uumpisahan ang storya na matagal ko na binabalak gawin, pero d ko alam kung bakit ngayon ko lang naumpisahan to. Marahil wala lang talaga akong oras o masyado lang akong tamad.
Ang aking storya ay naka Script-Form o sa madaling salita, ay parang dialogue. Lahat ng nangyayari ay sinasabi ng tagapagsalita upang mas maintindihan ng tao ang nangyayari at hindi mapapatanong sa mga katagang "ooh" at "aahhh sige pa!" na hindi naman nila alam kung ang nangyayari ay isang uri ng pagkatamasa ng ginahawa o isang mahalay na pangyayari.

Isa pa pla! Nung nasabi ko ang plot nito sa mga kaklase ko, Iba ang sinabi ko. Kaninang hapon ko lang binago :].




Narrator: "Ang ating kwento ay naguumpisa sa isang eksena kung saan ang magkaibigang Miki at Lani ay magkasama sa ilalim ng puno habang break ng unang araw ng klase"

Miki: "Hay nako Lani! nagugutom ako ngayon at nakatingin ako sa pagkain mo ngayon!"

Lani: "Grabe ka naman! Wag mo naman tignan ang pagkain ko habang nilalayo ko ito sayo!"

Miki: "Di pa ako nakakakain kaya huwag mo na ilayo ang pagkain mo! nakatingin ako sa pagkain mo at gusto ko itong agawin! Bilis! matatapos na break time natin! inaangat ko ang braso ko ngayon at tinitignan ko kung anong oras na! sabi sa orasan ko mag-aalasdiyes na ng umaga at ako ngayon ay may nagulat na mukha"

Lani: "O sige na nga! papayagan na kita kumagat sa kinakain ko! Ayan! inaabot ko na ang pagkain ko at kinukuha mo ito gamit ang iyong mga kamay at nagmamadali na parang sampung taon na hindi nakakain!"

Miki: "Ang sarap naman nitong pagkain mo! Ayan! alas diyes na ng umaga at nagriring na ang bell! Ako ay nagmamadali ngayon at pupunta na ako sa aming pila!"

Lani: "Uy! hintayin mo ako habang pilit kong kinakapitan ang iyong kamay!"

Miki: "Bilisan natin! baka magalit satin si Mr. Cruz! alam mo naman yun! mainitin ang ulo!"

Lani: "Buti nakaabot tayo sa pila! Pasimple ka nalang kumain ng tinapay habang tayo ay umaakyat ngayon sa ating classroom sa ikaapat ng palapag!"

Miki: "Grabe! Ang sarap lagi ng baon mo! Kahit last year eh masarap! Mas sumarap pa ngayon! Ako'y nabubusog na at hinahawakan ko ang aking tiyan sa sobrang kabusugan!"

Lani: "Ibigay mo na sakin yang natirang baon baka mahuli tayo ni Sir! Bilisan mo habang papasok tayo ng pinto ngayon!"

Miki: "Binibigay ko ngayon ang natirang baon sayo! nang biglang napunta ang atensyon ko sa mga taong nasa baba! Ako ngayon ay nakatingin sa baba at tinitignan ko ang mga 4th year students na magrecess. Grabe! Tignan mo! Nakatingin ako ngayon sa isang lalaking ngayon ko palang nakikita sa buong buhay ko! Bagong estudyante ba siya?"

Lani: "OO! baong estudyante ata! alam ko ang pangalan niya ay..."




hep hep hep!! hanggang dun muna :]]
Anu kaya ang pangalan nung lalaking nakita nila?
Anu ang magiging role nya sa ating kwento?
Anu kaya ang mga katangahang mangyayari sa karakter na ito?

Abangan..

Thursday, August 7, 2008

usapang ebak



isang napakaespesyal na usapan ang magaganap sa ating blog ngayon..
ang mga tao ay nangangailangan kumain..

tulad natin.. tayo din ay kumakain..

tayo ay lumulunok ng iba't ibang uri ng pagkain..

ngunit.. anu man ang kainin mo..

konti man o marami..

maanghang man o hinde..

panis o hinde..

mahal man o mura..

liquid man o solid..

hindi maiiwasan ang biglang pagsakit ng tiyan..

ang nagbabadyang kumawala sa isang preso..

at mararamdaman mo..

hindi maipaliwanag..

natatae ka na pla..


--"Teacher! Anu po ba yung tae?!"

--"Mga bata! ang tae ay yung lumalabas sa pwet natin pagkatapos natin kumain!"

--"E dba teacher ang tawag dun ay POOPOO?!"

--"Oo! pwede din yun! maraming tawag sa tae at marami din itong uri!"

--"Ha?!"


ngayon ay bubuksan ko ang inyong isipan sa isang bagay na mukhang simple ngunit hindi mo iisipin na komplikado pala.. lilinangin ko ang inyong kaisipan at bubusugin ko ang mga utak nyo ng mga
impormasyong pangedukasyonal at pangkalokohan.. ipapaalam ko sa inyo kung ano ang dapat nyong
malaman sa salitang..



"TAE"


Ano nga ba ang tae?!


ang tae ay isang substance na ginagawa sa ating tiyan..

ang paggawa ng tae ay may pinagmumulan at dumadaan sa iba't ibang proseso bago mabuo..

ang tae ay nagmula sa mga organikong mga bagay na nilalaman sa sikmura ng tao sa araw-araw..

ang mga nakonsumong mga organikong substance ay dumadaan sa tiyan ng tao pagkatapos ito
makonsumo..

pagkatapos ay hahatiin ang organikong substance na ito..

hinihiwalay ang sustansya sa dumi..

at ang dumi ay dumadaan sa ating mga
intestines o sa mas madaling salita ay Isaw..
pagkatapos nito dumaan sa isaw ay ito ay lalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng prosesong
pagtae..


ang mga tae ay merong nagiisang magkakaparehas na katangian at ito ang pagiging mabaho ng mga ito..

bakit nga pla MGA ang sinabi ko?

dahil! maraming uri ang tae!

ang mga uri ng tae ay ang mga sumusunod:




1. Normal
- ung simple lang. brown. buo. di masyado mabantot. generic tae. usually 2-3 lang ang lumalabas na ganito. pag isa lang, sayang ung oras ng pagtae mo. ipunin mo muna bago mo ilabas. pag lumampas ng 3. matakaw ka.

2. Nana
- ung may green. kadiri to. kaya di ko na masyado dedescribe.
usually may sakit ka pag meron ka neto.

3. Burutot

- basag. tubig. minsan one shot lang to. pag upo mo. broooooot. hugas. flush. tayo. tapos.

4. Tubol

- malaking malaking tae na buo. parang buong kamote ba.

5. Tubols

- hindi plural ng tubol. eto ung parang tae ng kambing. hindi yata talaga tubols tawag e. kalimutan ko na.

6. Footlong

- di na kelangan idescribe. basta nagttwirl na sa kubeta. footlong na yun. hirap gawin to. kase napuputol talaga minsan. (ang kadiri ko amp)

7. Tibis

- tae ng tao na may consistency na katulad ng ipot ng manok.

8. McArthur

- ito ang pinakasikat na tae. sa ngayon pa lang to narinig, ang mcarthur ay ung taeng napakahirap iflush. "i shall return." ika ni mcarthur. gets?

9. Bugret

- ito yung taeng may carot bits at bell pepper pa, at paminsan ay sangkatutak na buong mais. dilaw na dilaw pa.

10. Burnik

- taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

11. Mekikekkwek

-tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

12. Hudini

-taeng biglang nawawala,wala ka ng ifflush.

13. Yamas

- taeng na sa panty at brief dulot ng UST

14. UST

- utot sabay tae

source: http://jetcijets18.multiply.com/journal/item/11




ngayon ay alam mo na ang iba't ibang uri ng tae..
hindi na tayo magiging mangmang sa mga napakasimpleng bagay..
ngayon ay maaari na nating malaman kung ano ang uri ng ng tae ang meron tayo pagkatapos natin ito ilabas..
ikaw!! tatanungin kita..

"Anong uri ng tae ang meron ka?"

ciao
marklovestokram

Friday, August 1, 2008

kinakatatakutan

ang bawat tao ay may kinakatakutan o fears.
kahit siguro ang pinakamacho at pinakamatipunong tao sa mundo ay mayroong kinakatakutan.
sinungaling ang taong nagsasabing wala siyang kinakatakutan.

ako sa sarili ko ay aware ako na meron akong mga kinakatakutan na bagay.
isa na rito ang pagkakaroon ko ng ACROPHOBIA o ang takot sa matataas na lugar.
bawat oras o pangyayari na nasa mataas na lugar ako ay hindi ko alam ang aking gagawin at mas nanaisin ko nalang bumaba kaysa sa patuloy ko pa akyatin ang inaakyat kong mataas.

isa pa sa aking mga kinakatakutan ay ang mga multo o PHASMOPHOBIA.
nung bata ako ay talagang sobrang matatakutin ko sa multo at kung papakitaan mo ko ng mga pictures ng multo. hindi ko alam talaga kung paano nagumpisa ang takot ko sa multo at sa bawat mapupuntahan kong tahimik at madilim na lugar ay naiisip kong may susulpot ng nakakatakot na imahe oh mga tunog na hindi kanaisnais para sa aking pandinig. lalo na pag holloween na nagiging bulungbulungan ang madalas na pagpaparamdam ng mga maligno't ispirito sa paligid.. dahil pag november daw ay mas malakas magparamdam at magpakita ang mga nasabing nilalang.

habang ako ay nagbabasa ng mga iba't ibang uri ng PHOBIAS o takot.. marami akong nakitang medyo kakaiba.. tulad ng

Russophobia - Fear of Russians --
the HECK?! may phobia pala para sa mga ruso o russian sa mas madaling salita... hindi ko expect na may ganito pero para sakin lang naman.. anung sense kung matatakot ka sa mga mabibigote at mayroong maiitim na kilikiling mga ruso! pwede ka siguro matakot sa tangkad at kanilang mga BUHOK sa katawan pero hindi naman siguro aabot sa puntong PHOBIA na ang takot mo..

Rhabdophobia - fear of magic wand -- AMP! sa tingin mo buhay talaga si Harry Potter at kailangan mo matakot sa magic wand? o kay Voldemort? SUSME NAMAN! pangbatang takot lang naman siguro to!.. pano ka naman siguro maaatake ng magic wand kung sa buong history naman ng mundo eh wala namang nabalitaang magic wand na naglalabas ng mga spells na nagpapabago ng anyo.. at nagpapaitim ng kilikili at singit.. kaya sa mga may takot talaga dito.. tigilan nyu na yan! magisip kayo ng mabuti! hindi totoo ang magic!

Basophobia o Basiphobia - Fear of walking -- umupo ko nalang!

yan ang mga nakita ko sa mga nakita kong kakaibang mga fears of phobia ng mga tao..
maipapayo ko lamang na harapin nyu ang inyong takot.. na may dignidad, pagpupursigi at mabangong kilikili.. hindi mahirap tanggalin ang mga takot sa ating sarili.. maniwala tayong kaya natin!
Kaya natin to!

gusto ko malaman kung san kayo natatakot :]
SHARE! :]

HATAW NA!

hanggang dito nalang muli..

ciao
marklovestokram

Thursday, July 31, 2008

ang bading na dinosaur :]

patapos na ang buwan ng july at bilang treat!.. narito ang napakaespesyal na post para sa inyo :]
____________________________________________________________________




Marahil kayo ay nagtataka kung ano ang nasa taas ng pangungusap na ito :].. kung kayo ay walang magawa at walang mapakinggan.. pindutin nyu lamang ang play button sa taas :]










o? napakinggan mo na ba?...

kung hindi pa.. inaanyayahan kitang pindutin ang play button sa taas at kung napakinggan nyu na ay maari nyu na basahin ang susunod na pangungusap..










pamilyar ba ang tunog?.. TAMA! yan ang walang kamatayang kanta mula sa palabas ni BARNEY!
noong bata pa ako ay engganyong engganyo ako sa kanya.. eh ngayon ay ewan ko ba kung bakit nakokornihan na ako ng sobra sa kanya! marahil masyado na akong matanda o kaya naman masyado na akong nandidiri sa kanyang kulay..

VIOLET ang kanyang katawan
GREEN ang kanyang tiyan at mga batik sa katawan at..
PINK na talukap!

bakit kaya ganoon ang kulay ni barney? ewan ko ba kung sino ang nagdesign kay barney at mayroon siyang pambaklang kulay..

maraming batang naeengganyo kay barney with matching sabay sa kanyang mga kanta sabay narin dito ang paggaya ng mga bata sa sayaw ni barney.. konting kembot sa kaliwa't kanan.. konting taas at baba ng kamay.. at ang pagkindat ni barney na parang gusto nyang halayin ang mga batang kasama nyang magsayaw..

napapansin ko sa mga batang cast ng palabas ni barney ay ang kanilang masyadong mataas na intonation na boses tulad nalang pagsinasabi nila ang mga katagang "YOU'RE RIGHT!" ang taas ng intonation at kung magsasabay sabay sila ay pwede na sila gumawa ng kanta! at maging choir at manalo ng parangal sa ibang bansa! OHA! :]]

kanina ay nagdala ang kaklase ko ng barney na stuff toy na pag pinindot mo ang kanyang "BOOBS" ay magsasalita ito ng "I LOVE YOU!" hahaha natuwa ang physics teacher ko dito at nginitian si barney na parang gusto nyang sabihin na "I LOVE YOU TOO!"

kung kayo ay na Last Song Syndrome na sa kantang nasa taas..
eto ang lyrics ng kanta..



BARNEY LYRICS:


i love you! you love me!

we're a happy family!


with a great big hug!


and a kiss from me to you!


won't you say you


love me too..





nakakatuwa ang message ng kanta.. at sana sabayan nyu ako sa pagka Last Song Syndrome ko :]] hahaha nakakalungkot naman kung ako lang no!

hanggang dito nalang.. :]]

ciao
marklovestokram

Tuesday, July 29, 2008

a beri random powst

:]] napakarandom ng post na to kaya kung ayaw nyo maglakbay sa isang mall na may damit ng babae sa mens department ay ipinapayo ko sayo na ikaw ay umalis na lamang at pumunta sa iba pang mas maganda at mas maayos na mall.. in short.. MAGHANAP KA NG IBANG BLOG!

ewan ko ba! ang daming pumapasok sa utak ko na iba't ibang bagay! O_O hindi ko maipaliwanag..
dami kong iba't ibang naiisip.. tulad nalang ng nakita kong post sa isang blog.. na kung tumatae daw ba ang artista? matagal ko na rin pinagisipan kasi talagang napakaimposible mong maimagine ang itsura ng mga artista pag tumatae.. ay susme! anu kaya itsura nila?

isa pang nasa isip ko ay pera.. dapat ay meron pa akong 150 pesos na pagtiyatiyagaan na pera para sa linggong to.. pero WATTAMADERPAKINGBULLSHET! nanakaw ang aking pera sa sisidlan ko sa aking kwarto!! at wala akong choice kundi ang mamuraot ng baon sa mga kaklase at ang mga ginagamit kong phrase ay ang mga sumusunod:

1.PASUBO!
2.PAKAGAT!
3.PAHINGE!
4."kung hindi ka madamot ay magbibigay ka!"
5.UY! Libre mo ko! libre rin kita next week
6.UY! BESPREN! pautang naman oh! bayaran kita next week!

o kaya bigla nalang akong manghuhugot ng pagkain sa mga kaklase ko at sabay magtatago sa likod ng iba pang mga kaklase upang sila ang mapagbintangan sa kademonyohang ginawa ko >:]

isa sa mga nasa isip ko ngayon ay kung pano ako makakapagcome up ng isang litrato na mala model ang dating ko :] mahirap kumuha ng magandang anggulo sa mukha kong to kasi iniiwasan kong makunan ng camera ang mukha kong mala-bulubundukin ng Sierra Madre.. at kung hindi naman to inaatake ng mga pimples ay inaatake naman ako ng mala frying pan kong mukha dahil sa napakadaming mantika nito.. at kung kukuha ako ng litrato at itatapat ko sa araw ay pustahan! magmumukha akong isang ilaw dahil sa kinang ng katas ng mga dumi sa aking mukha! -,-

matagal na rin ako hindi nakapagpost at nakapagupdate sa pangaraw-araw kong buhay kaya marami na rin akong nakaligtaan na mga dapat na ipopost ko pero sadyang inatake lang ako ng katamaran at nawalan ng gana sa pagtatype ng mga saloobin at laman ng aking utak at damdamin..

nung isang araw nga pla.. ay nung sabado pala! mabaliwbaliw ako sa kakatawa dahil yung kapatid ko ay kinukwentuhan ako tungkol sa UTI [Urinary Track Infection].. kasi sabi ng kapatid ko.. nakakamatay daw ang UTI nakita daw nya sa palabas na MEL ANG TIANGCO.. bongga! may bagong palabas ang channel 7 at di ko alam kung ano ang nangyari kay joey de leon >_<" at baka natanggal na siya sa dating palabas na MEL AND JOEY at nagtaka ako kung talagang nagdecide na si Mel na gumawa ng palabas na solong solo nya na walang kasama.. uy joke lang! dami naniwala amp

tapos nung sabado rin yun! nagkaroon nga pla kami ng drinking session at lasing daw ako! sa tingin ko naman ay hindi! kasi nakakaintindi pa ako! at straight ako maglakad! [i think] pero pa X na raw ako maglakad =)) lintek! d ko alam yun! hahaha amp!

nung friday naman nagkaroon kami ng CADT! ayun! balik pacommandcommand ako na sa tingin ng iba ay madali pero masakit sa lalamunan! nakakapaos! UBER! tapos nagumpisa na ang mga 3rd year na mag MOCC ang mga magiging future opisers ng CADT! :] hahaha ayun! trinaining ko ang mga cadets ko na hindi tumawa sa pamamagitan ng paghaharap nila at magtitinginan sila sa mata tapos ang tumawa DOWN! wooooo! sana d na kayo tumawa next time! hahaha!

so... ayun! hanggang dito muna! sana hindi naman kayo nalito sa mga pinagsasabi ko NO!

ciao
marklovestokram

Saturday, July 26, 2008

Artwork

yey! i've finished doing some ART the other day and i asked my friend to scan it and so here it is!

Photobucket


Photobucket


so there it is! the top one is inspired by minimonsters and the one below was for my friend so i drew it then i asked someone to scan it so i can give it already to her :]

______________________________________________________________

yesterday was fun coz' me and my peeps had a drinking session. got drunk and now i'm suffering from a hangover [SHIT]. I'll just give you more info about it later :] kinda sleepy again :]

til' here :]
[nosebleed]

ciao
marklovestokram

Friday, July 25, 2008

selp disiplin :[ part 2

"ano ba yan! JUSTIIIIIIIICE!"
-Johann Santos

yan ang unang maririnig mo sa loob ng classroom.. FIRST THING IN THE MORNING! tsktsktsk..
super! nakow! nung una akong pumasok sa classroom ng justice.. masaya ako.. kasi anjan si dianne! anjan si james! si miltot! si mamy kim! si daph! si meg! at ang mga boys na nagpapasaya ng section namin :].. pero ngayon.. wala na! ayoko na! gusto ko na gumawa ng pangatlong section ng third year at lumipat! tulad nga ng sabi ni milrose

"I'm starting to hate TEN JUSTICE"

grabe! wala na kaming disiplina sa sarili! napakainsensitive na namin! d ko na alam ang gagawin ko.. tinatry ko maging tahimik.. PERO PANO NAMAN YUNG IBA?!

mahirap ibalik ang expectations ng teacher dahil sa mga pinakita naming ugali hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin just to make my classmates quiet.. hindi naman sa todong quiet but yung cooperative at marunong maging sensitive sa nararamdaman ng teacher sa harap na patuloy na nagsasalita pero in fact 5 or wala pang nakikinig! ang sakit nun! siguro hindi pa nila nararanasan yun na salita ka ng salita na wala namang nakikinig sayo! masakit diba? MASAKIT DIBA?!

di ko expect na ang mga classmates ko ay magiging ganito! even I, myself.. hindi ko pinangarap na magkaroon ng ganitong ugali! di ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga kaklase ko para lang maging tahimik kami..

tulad nga ng sinabi ni milrose.. ang isa sa mga concrete na example ay yung kay Mdm.Estrebillo.. nung una.. si Mdm.Estrebillo ay masungit at mataray pero pagkatapos namin magopen forum ay naging nice at mabait si mdm. pero sa nakikita ko.. masyado na ata naming naaabuso ang kabaitan ni mdm. minsan gusto ko nga bigyan ng mahabang homily ang mga kaklase ko pero i know based sa mga nakikita ko sa kanila.. hindi lulubog sa mga utak nila ang mga sinasabi ko at patuloy na magiging maingay!

hays.. ayoko na magkaroon ng part 3 itong blog na to dahil na rin sa sobrang kulit namin! sana eto na ang last ng pagpost ko ng blog na may titulong selp disiplin na samahan mo pa ng malungkot na mukha! yun lng..


ciao
marklovestokram

Thursday, July 24, 2008

pudtrip :]

iwan muna natin ang silid aralan sa ngayon :] dahil wala namang espesyal na nangyari..
dumating ang uwian at ako ay nagyaya sa kens :]
ang walang kamatayang kens..

kasama ko ang aking kaibigan at nilibre ko siya ng 4 na crab sticks at isang gulaman..
habang ako ay busyngbusy sa paglapang ng crab sticks at paglagok ng gulaman ay dumating ang iba ko pang mga kaibigan :].. kumain din sila at may dumating nanaman :]..


naghiwalayhiwalay sila at tatlo sa kanila ay sumama sa amin :] kaya lima na kaming lahat :]
kami ay naglakad at patuloy na umiiwas sa mga tore at mga kastilyong ebak sa kalsada..
nang biglang may nakita kaming nagtitinda na di ko malaman kung anong lamang loob ng isang baboy..
masarap siya at mukhang nakamamatay dahil narin sa malibag nitong kulay at mamantikang pagkakaluto..

pagkatapos namin kumain ng nasabing chibog ay naglakad muli kami at nakasalubong nanaman ng mga kasama sa iskwelahan at sila ay patungong isabel upang maglaro ng basketball :]
patuloy kaming naglakad at nakasalubong nanaman namin ang mga kolehiyong SCHOODENTS na nakasalubong namin kanina habang ako ay busyng-busy sa aking crab sticks at gulaman..
nakita rin namin ang guro namin sa CL at binantaan kami kung alam daw ba ng magulang namin na nagpupudtrip kami.. lahat kami oo nalang :]]

naglakad kami at napadpad sa isabel :] pagpunta namin dun ay nakita ko yung mga kaiskwela ko na nakasalubong namin kanina.. pati si bespren poreber[pauso ka gulugod!!] ko ay nakita ko ren.. wala kaming ginawa dun kundi ang tumunganga at umalis na rin kami makaraan ang limang minuto..

pagalis namin ay napadpad kami sa strit kung saan nandun ang bahay ng isang kaibigan pero napagpasyahan namin na hindi nalang pumunta :] pero may pinuntahan kaming isang kaibigan :] at nag hi kami sabay nag byebye na inabot ng sampung minuto :]]

kami ay nagpatuloy sa aming paglalakad hanggang sa nakakita kami ng isang saging con yelo stand at bumili kami ng saging con yelo at yung isa naman ay mais con yelo.. nagpatuloy kami maglakad hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na :] naglakad kami upang ihatid ang dalawa naming kasama at kaming tatlong natira ay sabay sabay naglakad pauwi..

nakakapagod ngayong araw at eto lang ha! may isa lang akong sasabihin!..
JUSTICE! MAGBAGO NAMAN KAYO! napuri lang tayo ni mdm. elective nagsilakihan nanaman ang mga ulo natin :[.. hays..

bukas ay meron kaming CADT training at asahan nyung may i popost ako :]
hanggang sa susunod :]

ciao
marklovestokram

Wednesday, July 23, 2008

selp disiplin :|

hay! parang ang lungkot ng araw na to..
kasi naman eh! sabi saming mga port yir eh wala na raw kaming SELP DISIPLIN :[
meron kasing usapan sa klasrum na pag di daw kami tumino eh aalis ang adbayser namin at maghahanap ng bago!

oo! sinubukan naming baguhin ang sarili namin! kahit pakontikonti eh kaya naman naming tumahimik.. pero yung teacher namin sa istadi piryud d ko alam kung meron siyang speaker sa tenga dahil hindi naman kami ganun katahimik at ginagawa namin ang mga kailangan namin para sa iskwelahan..

may pinagawa samin sa laybrari piryud at yun ang paghahanap ng mga go, grow at glow puds..
patuloy parin ang iba na gumagawa ng kanilang mga pinagpatong na folder na may hugis apa o cone sa salitang inggles :] pero natapos naman namin ang paghahanap ng go glow and grow puds :]

nagulat nalang kami ng pagakyat namin..
EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK EEK!! [sound effect]
umakyat si binibinig cruz kasama ang aming adbayser na si ginang reburiano..
at nakita ko sa mukha ni adbayser na galit na galit siya..
kaya napaisip ako..

ANO ANG MERON?..

nagumpisang sumigaw si adbayser at sinabing wala na daw ba kaming respeto..
AT BAKIT NAMAN?! aking sambit..
si binibining cruz pala ay nagsumbong sa ugali namin na hindi DAW katanggap-tanggap..
hindi kami maingay nung naglalaybrari piryud kami.. pero may mga bulungbulungan dahil na rin siguro sa pagkokopyahan namin ng mga pagkaing go glow at grow..

nagkaroon kami ng talakayan ng aking mga kaklase kung ano ang dapat naming gawin..
napagusapan namin na wala na lng na papansin sa mga maiingay at ikaw na ang bahala sa sarili mo tumahimik.. kung baga.. "KONSENSYA MO NALANG!"

natapos ang talakayan at kumain ng lunch at kumain ng binagoongan na biniyayaan ng maraming mantika at bagoong.. nabusog ako! masarap!! :]]

walang nangyari pagkatapos ng lunch kundi ang magdiscuss.. nakita ko na ang score ko sa exam sa AP na 31/40.. tapos naguwian na at dapat pupunta ako sa kaarawan ni elmarie kaso di kami nakapunta kasi naiwan kami >_<.. kaya nagpasiya nalang kami na kumain sa KENS..

nung isang araw ay nilibre ako ng kaibigan ko kaya ako naman ngayon ang nanlibre :].. pero bago kami kumain.. tinignan muna ang mga litrato ng mga nag-gagandahan at walang kasing gugwapong mga guro :] at binigyan sila ng mga bansag :]]

kumain kami sa kens at nakaubos ako ng 3 gulaman.. 5 crab sticks tempura.. 3 taquitos..
busog na busog ako at gumastos ng...
TANTANANANTANAAAAAAAAAAAN!
89 pesos!
at di ma kasama dun yung bayad ko para sa nilibre kong kaklase..
grabe ang sarap! :]

so yun nakita namin ang iba pa naming mga kaibigan at bumili sila ng tempura sa kens :]]
pauwi na kami ng biglang dumaan ang isa pang kaibigan kaya sumabay na ako sa kanya..

whew! kapagod din tong araw na to :] malungkot pero masaya rin :]
nakakabadtrip nga lng yung G-Tech ko na kakabili palang eh lumubog na yung sulatan tae! 69 pesos din yun!

hanggang dito nlang ulit :]..

ciao
marklovestokram

Tuesday, July 22, 2008

ang nakakapagod na araw *sweat sweat*

isa nanamang nakakapagod na araw ang lilipas, ngunit bago ito magtapos.. ako ay magpopost muna ng blog :] tungkol sa aking karanasan ngayong araw :]


natural nagumpisa ang umaga ko sa pagtunog ng aking selpon na naglalabas ng tunog na nakakairita kaya yun ang ginamit kong panggising.
nakaset ang alarm ko sa 4:20 at san ka pa? papatayin ko ang alarm at ipagpapatuloy ang aking pagtulog at magigising ng 5:45 OHA! BATUGAN!

so ayun! pumasok ako ng 6:30 at nagsalute sa mga hayer rangking opisers ng si ey di ti sa skul :]
at natural hindi mawawala sa umaga ko ang mga katagang carry on sa kadahilanang pag sumasaludo ako ay ito ang sasabihin nila at pag ako naman ang sinaluduhan ay mag kekeri on din ako!
kulang nalang ata ay kantahin ko ang kanta ni Kim Chiu na may pamagat na KERINGKERI

nagring at bell at nagsipilahan na ang mga estudyante na parang langaw na nagmamadali umalis sa isang tumpok ng tae..
nagdasal kami na merong PROPER POSTURE OF PRAYING..
NAPAKABANAL NAMIN!

umakyat kami sa aming mga silid aralan at naghintay ng aming unang sabjek!
COMPUTER!
wooo! ayan! may free time kaso walang friendster :] bitin nga lng kasi nagdiscuss pa kami sa klasrum.. kaya masasabi ko talagang NAKAKASIRA NG KASIYAHAN ANG PAGAARAL!

uy joke lng! baka seryosohin nyu! baka naman bukas eh sambahin nyu ako sa sinabi kong yan at ipublish sa mga libro! ay napakalaking gulo nyan! sino na lang ang susunod na magiging kurakot satin pag di tayo magaaral?!

back to topic :]]..
natapos ang aming asignatura sa kompyuter.. natapos narin ang walang katapusang html na hindi ko alam kung ano ang PORPOS sa aking buhay maliban sa pagaayos ng friendster layout pati ng blog =]]

sumunod na sabjek ay yung ENGLISH! here we go again! pero buti naman! walang pinagawa samin kundi ang magbasa ng short story na malanobela ang haba.. O DIBA?! SHORT NA SHORT!

natapos ang english at nagrecess na kami! at kumain nanaman ako ng paborito kong kainin pag recess.. MOKA KEK AT AYS TI NA RED

ayun nag CL kami at nagbentahan ng bahay! oha business management major in christian living.. ABA?! MAY GANON BA?! hahaha! napaiyak pa nga ako kaninang klase hahaha! nah! kung nandun kayo maaantig din kayo hahaha! bago kami magbentahan ng bahay ay pinagdrawing kami ng bahay natural para ipakita yung bahay na ibebenta namin.. IN 10 SECONDS! instah house ang ginawa namin na merong pinto na hindi mo malaman kung rectangle nga ba o hugis ng katawan mula pwet hanggang paa! tapos pinakita sa buong klase ang ginawang bahay.. nagbotohan at ako ang merong pinakamaraming boto dahil siguro sa ganda ng pintuan namin o siguro dahil sa advertisment ko na..
"When you buy my house.. I will give you more!"
at ano naman kaya yung MORE na yun?! hmmm... hahaha bawal berde utak!

tapos nag Filipino kami.. gumawa kami ng tula! tungkol sa PAGASA! ayun! umaasa ako na mataas ang grade sa nagawa kong tula na paulit ulit ang linya! :]] buti na lng may drawing at siguro dun nalang ako huhugot ng grade ko pataas :]]

pagkatapos ng filipino eh lunch na! ang kinain ko ay.. sisig na naliligo sa mantika! death in a lunch box :]

nagring ang bell at kami ang pickers.. mga tagapulot ng mga candy wrappers, pieces of paper, wrappers ng mga pinagkainan at mga balat ng manok na galing sa bibig ng batang hindi nagsisipilyo..

MATH ang sumunod na subject at wala kaming ginawa kundi ang mag graph ng mga polynomial functions :]] susme! wala na kaming ibang ginawa kanina kundi ang mag drawing ng mga bulateng inasinan sa board..

wala kaming ginawa sa AP kundi ang mag recite ng magrecite tungkol sa economics.. kaya kumain nalang ako ng XO candy kasi wala naman akong masagot -,- at alam nyu ba! sabi nung teacher namin kanina meron daw nagsagot ng pangalan nya! d ako yon! pramis!

ang SCHIENCHE naman ang sumunod kong subject :] nag identify lng kami kung vector at SDJFSIJFSM ang isang unit of MESHORMENT

tapos music :] nagdiscuss lang kami ng mga taong naging sikat nung renaissance tulad nila Giovanni Da Papito? ay! yun ba yun?! hahaha.. sa isipisip ko.. siguro pagkatapos ng maraming panahon.. sabihin na nating 3000 AD ang mga tao naman na ididiskas nila ay ang mga taong tulad ni Britney Spears na merong malaking kontribusyon sa issue ng mga FAMOUS TURNED LAOS na singers ng panahon ng GENERATION X ERA..

maaga ang dismissal namin! WOOO! mula sa original schedule namin na 4:20 ang dismissal ay dinismiss kami ng 3:00 dahil daw sa power interruption! :]
pagkalabas ko ng skul ay wala akong ibang ginawa kundi ang mamuraot ng tacos at bumili ng pishbol sa isang tabi kasama si yam at si dianne..

pagkatapos nun ay umuwi na ako at naghanda sa pagkuha ng allowance ko :] yey! rich nanaman ako!
marami nanaman akong pambili ng gamot sa mukha ko at deodorant para sa mamasamasa kong kilikili..
dito nagtatapos ang kabanata 1 ng nobelang.. JOKE LNG! hahaha ang haba kasi eh! nakakapagod =]]

geh hanggang dito nlang bukas nlang ulet :]
P.S. OI MGA CHARLIE JAN AGAHAN NYU! :]] CYA TOM.! :]

ciao
marklovestokram

Monday, July 21, 2008

GOKUSEN 3 :]

wow! to my surprise.. nakita ko kanina meron na plang gokusen 3
papanoorin ko na sana.. but too bad.. i have DIAL DOWN connection

and nakami yukie a.k.a yamaguchi kumiko is back!



a bit old but sill hot :]

:]

ciao
marklovestokram

korapshon :]]

panibagong linggo na nanaman ng pagpasok :]
halos marami ring bago ngayon!

~bagong RULES!
~bagong SITING ARENJMENT :]]
~bagong gawain

ayun! si Sir Carel ang magiting naming English teacher ay naghahasik nanaman ng lagim at sakit ng ulo

kanina pinagawa kami ng Informal Writing #1 tungkol sa KORAPSHON!
inatasan kami gumawa ng aming masasabi tungkol sa issue ng korapsyon dito sa pilipinas
dun ko napagtanto na ang korapshon ay hindi lamang sa ating gobyerno nagkakaroon!
pati pala sa araw-araw nating buhay ay may korapshon -,-

isa na sa mga halimbawa nito ay sa iskwelahan
AY SUSME! laganap pala ang korapshon sa iskwelahan! :| hindi ko maisip pero ang pamumuraot ng papel sa katabi ay isa na palang halimbawa ng korapshon -,-

nako! yan tuloy marami tuloy ako naiisip na kung ano anong korapshon!
wala nang laman ang utak ko kundi korapshon puro nalang korapshon!

kanina nga ay pinagawa kami nung informal writing nmin!
eh english pa! SUSMARYA! SANTO ANTONIO! SAN JUAN AT LAHAT NG MGA SANTO!
ang sakit sa ulo at sa ilong! kahit aircon ang classroom ay pinagpapawisan ang ulo ko... AT KILEKILE!
ewan ko ba kung bakit kami pinahihirapan kami ng ganito! siguro nga para gumaling kami sa english! pero hindi naman kami siguro pagsusulatin ng pormal tim pag nagtatrabaho na kami no!

ayun yung isa sa mga bagong gawain na dapat naming gawin..
DAGDAGAN MO PA NG BAGONG RULES! OHA! PARA NA TAYONG PRESO!

bagong rules
~bawal lumipat ng upuan.. ang lumipat tatanggalan ng upuan
~bawal mag tagalog pag hindi tagalog ang subject -,- SUSMIYO! TIGILAN NYU NA KAMI! INGGLES NANAMAN! TANTANAN NYU NA AKO O_O

ang daming bago -,- hays.. minsan pala nakakasawa rin pag maraming bago -,-
pero kailangan ko magtiis! isang taon nalang eh gradwet na ako ng hayskul! woo!
at papasok nanaman ang isa sa mga magpapahirap sa akin..
ANG KALEYDJ!

so ayun! :] hanggang dito muna! em tired! bukas nlang ulit ako magkukwento kung maaari! :]

ciao
marklovestokram

Sunday, July 20, 2008

tisis :]

"ayoko na pumasok"

-4th year SCHOODENTS

hay nako! may pasok nanaman bukas! at kailangan nanaman namin alalahanin ang aming THESIS...

di ko na alam ang gagawin ko... di ko alam kung ipaagpapatuloy ko pa ang thesis ng grupo namin o mag tumbling at kumembot nalang sa harap ni Sir Carel

por yor impormation.. si Sir Carel ang aming guro sa salitang ingles

ayon sa mga dating 4th year na naging SCHOODENTS nya ay terror daw ito pagdating sa pagbibigay ng grado at sa pagchecheck ng mga pinapagawa nyang formal theme.. at ngayong 4th year na ako napagtanto ko na totoo pala ang sinasabi nila :]] grabe! ang hirap makipagsabayan sa kanya sa English dahil kahit sa baba eh dapat mo siya kausapin ng english -,-" ang sakit sa ulo at todo *nosebleed* kami sa klase nya.. kasi kung ano ano ang mga ginagmit nyang salita.. tulad nlang ng MANTRA.. HUH?! ANO DAW?!

hays.. back to thesis :]]


ayun! hirap parin kami pero masaya naman. napapaisip na ako kung ano ang grade na makukuha ko dun sa thesis na ginagawa namin na may pamagat na "How Does TV Viewership Affect the Academic Performance of the SCHOODENTS" :]] grabe naka ilang palit na kami ng topic at buti naman na approve na tong topic na to -,- which is good kasi makakapagumpisa na kami ng mga introduction namin :]


buti by group ang thesis nmen -,- kasi kung mag sosolo ako.. nakikita ko na ang future ko..

isang batang nakapaloob sa isang kahon na pinapalibutan ng mga taong nag totong-its, kumakain ng pandesal na may matamis na bao at humihigop ng mainit na kape.. siguro kasama narin sa naiimagine ko ang mga uhuging batang nagtatakbuhan at nakikikain na hindi ko naman kakilala!

di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko hahaha.. baka taasan lang ni Sir Carel ng kilay ang gagawin kong thesis at sabay lilingon with beautiful eyes =]]


basta goodluck nlang sa akin at sa mga kagrupo ko

pati na rin ang iba pang mga nagluluksa sa pag gawa ng thesis


ciao
marklovestokram

Saturday, July 19, 2008

eksamineyshon! :]

ako ay kasalukuyang walang magawa sa aking isang araw na bakasyon -,-
d ko alam ang aking gagawin, magpapakasaya ba ako sa bente pesos kong pera?
o magpapakaemong sa gilid ng pader at iiyak sa wala namang kadahilanan? [with matching haplos ng kamay sa pader]

naloloko na ako sa dami ng gawain sa iskwela! at buti naman tapos na ang
FIRST MONTHLY TEST!

bago ako magexam, kailangan ko muna maghanda ng mga kakailanganin ko..

~
Reviewer
~
Pagkain

at natural...

~
Ang kakayahan kong mangopya...

pagkatapos ng aking exam ay maayos naman.. buhay pa ako :]]
tulad nga ng sinabi ng
English teacher ko

"
MY EXAM ONLY REQUIRES COMPREHENSION AND UNDERSTANDING!" *nosebleed*

tinupad naman niya ang sinabi nya!
kaya sa tingin ko naman ay papasa ako O_O

ang d ko malilimutan na exam ay yung exam ko sa AP..
ilagay ba naman nya yung pangalan nya sa choices.. nahirapan ako magisip kung sasagutin ko ba ang pangalan nya para magpatawa o isagot ang tamang sagot para magpasikat :]]

hindi ako nagreview sa lahat ng exams ko kaya pustahan tayo! tama ang sagot ko...

...SA MALING TANONG!

d ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayong tapos na ang exam.. wala naman akong load para makipagtxt sa mga kaklase kong walang inatupag kundi ang maglakwatsa!

pinakanagpasakit sa ulo ko ay yung eksamineyshon ko sa
MATH.. madali ang exam sa math.. madali namang magcompute.. pero kung halos lahat ng items eh ipapacompute sayo! ang sakit rin sa ulo! -,-"
minsan sa buhay ko ay hindi pa ako nakakaranas ng mga pangyayaring kailangan ko mag synthetic division oh maghanap ng mga
LINTEK na zeros ng isang polynomial function!

sa lahat ata ng ineksam ko na eksam eh CL ang pinakamadali
kailangan mo lng bigyan ng pangalan ang ibat ibang gamit sa simbahan :]
at isulat ang
ANGELUS madali pagsinasabi pero mahirap pagsinusulat... siguro dahil sa spelling ng mga salita -,-

hays.. bukas ay may pasok nanaman! [bat kasi kailangan pumasok ng sabado ABER?!]
PE pa! -,- wala pa akong pahinga at aasahan mo ako mag PE?! wag na uy!... siguro hanggang dito nlang muna :] masaya pala mag blog kasi nakakapaglabas ka ng mga saloobin mo :]]

ciao
marklovestokram