Thursday, July 24, 2008

pudtrip :]

iwan muna natin ang silid aralan sa ngayon :] dahil wala namang espesyal na nangyari..
dumating ang uwian at ako ay nagyaya sa kens :]
ang walang kamatayang kens..

kasama ko ang aking kaibigan at nilibre ko siya ng 4 na crab sticks at isang gulaman..
habang ako ay busyngbusy sa paglapang ng crab sticks at paglagok ng gulaman ay dumating ang iba ko pang mga kaibigan :].. kumain din sila at may dumating nanaman :]..


naghiwalayhiwalay sila at tatlo sa kanila ay sumama sa amin :] kaya lima na kaming lahat :]
kami ay naglakad at patuloy na umiiwas sa mga tore at mga kastilyong ebak sa kalsada..
nang biglang may nakita kaming nagtitinda na di ko malaman kung anong lamang loob ng isang baboy..
masarap siya at mukhang nakamamatay dahil narin sa malibag nitong kulay at mamantikang pagkakaluto..

pagkatapos namin kumain ng nasabing chibog ay naglakad muli kami at nakasalubong nanaman ng mga kasama sa iskwelahan at sila ay patungong isabel upang maglaro ng basketball :]
patuloy kaming naglakad at nakasalubong nanaman namin ang mga kolehiyong SCHOODENTS na nakasalubong namin kanina habang ako ay busyng-busy sa aking crab sticks at gulaman..
nakita rin namin ang guro namin sa CL at binantaan kami kung alam daw ba ng magulang namin na nagpupudtrip kami.. lahat kami oo nalang :]]

naglakad kami at napadpad sa isabel :] pagpunta namin dun ay nakita ko yung mga kaiskwela ko na nakasalubong namin kanina.. pati si bespren poreber[pauso ka gulugod!!] ko ay nakita ko ren.. wala kaming ginawa dun kundi ang tumunganga at umalis na rin kami makaraan ang limang minuto..

pagalis namin ay napadpad kami sa strit kung saan nandun ang bahay ng isang kaibigan pero napagpasyahan namin na hindi nalang pumunta :] pero may pinuntahan kaming isang kaibigan :] at nag hi kami sabay nag byebye na inabot ng sampung minuto :]]

kami ay nagpatuloy sa aming paglalakad hanggang sa nakakita kami ng isang saging con yelo stand at bumili kami ng saging con yelo at yung isa naman ay mais con yelo.. nagpatuloy kami maglakad hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na :] naglakad kami upang ihatid ang dalawa naming kasama at kaming tatlong natira ay sabay sabay naglakad pauwi..

nakakapagod ngayong araw at eto lang ha! may isa lang akong sasabihin!..
JUSTICE! MAGBAGO NAMAN KAYO! napuri lang tayo ni mdm. elective nagsilakihan nanaman ang mga ulo natin :[.. hays..

bukas ay meron kaming CADT training at asahan nyung may i popost ako :]
hanggang sa susunod :]

ciao
marklovestokram

No comments: