Monday, July 21, 2008

korapshon :]]

panibagong linggo na nanaman ng pagpasok :]
halos marami ring bago ngayon!

~bagong RULES!
~bagong SITING ARENJMENT :]]
~bagong gawain

ayun! si Sir Carel ang magiting naming English teacher ay naghahasik nanaman ng lagim at sakit ng ulo

kanina pinagawa kami ng Informal Writing #1 tungkol sa KORAPSHON!
inatasan kami gumawa ng aming masasabi tungkol sa issue ng korapsyon dito sa pilipinas
dun ko napagtanto na ang korapshon ay hindi lamang sa ating gobyerno nagkakaroon!
pati pala sa araw-araw nating buhay ay may korapshon -,-

isa na sa mga halimbawa nito ay sa iskwelahan
AY SUSME! laganap pala ang korapshon sa iskwelahan! :| hindi ko maisip pero ang pamumuraot ng papel sa katabi ay isa na palang halimbawa ng korapshon -,-

nako! yan tuloy marami tuloy ako naiisip na kung ano anong korapshon!
wala nang laman ang utak ko kundi korapshon puro nalang korapshon!

kanina nga ay pinagawa kami nung informal writing nmin!
eh english pa! SUSMARYA! SANTO ANTONIO! SAN JUAN AT LAHAT NG MGA SANTO!
ang sakit sa ulo at sa ilong! kahit aircon ang classroom ay pinagpapawisan ang ulo ko... AT KILEKILE!
ewan ko ba kung bakit kami pinahihirapan kami ng ganito! siguro nga para gumaling kami sa english! pero hindi naman kami siguro pagsusulatin ng pormal tim pag nagtatrabaho na kami no!

ayun yung isa sa mga bagong gawain na dapat naming gawin..
DAGDAGAN MO PA NG BAGONG RULES! OHA! PARA NA TAYONG PRESO!

bagong rules
~bawal lumipat ng upuan.. ang lumipat tatanggalan ng upuan
~bawal mag tagalog pag hindi tagalog ang subject -,- SUSMIYO! TIGILAN NYU NA KAMI! INGGLES NANAMAN! TANTANAN NYU NA AKO O_O

ang daming bago -,- hays.. minsan pala nakakasawa rin pag maraming bago -,-
pero kailangan ko magtiis! isang taon nalang eh gradwet na ako ng hayskul! woo!
at papasok nanaman ang isa sa mga magpapahirap sa akin..
ANG KALEYDJ!

so ayun! :] hanggang dito muna! em tired! bukas nlang ulit ako magkukwento kung maaari! :]

ciao
marklovestokram

No comments: