Tuesday, July 29, 2008

a beri random powst

:]] napakarandom ng post na to kaya kung ayaw nyo maglakbay sa isang mall na may damit ng babae sa mens department ay ipinapayo ko sayo na ikaw ay umalis na lamang at pumunta sa iba pang mas maganda at mas maayos na mall.. in short.. MAGHANAP KA NG IBANG BLOG!

ewan ko ba! ang daming pumapasok sa utak ko na iba't ibang bagay! O_O hindi ko maipaliwanag..
dami kong iba't ibang naiisip.. tulad nalang ng nakita kong post sa isang blog.. na kung tumatae daw ba ang artista? matagal ko na rin pinagisipan kasi talagang napakaimposible mong maimagine ang itsura ng mga artista pag tumatae.. ay susme! anu kaya itsura nila?

isa pang nasa isip ko ay pera.. dapat ay meron pa akong 150 pesos na pagtiyatiyagaan na pera para sa linggong to.. pero WATTAMADERPAKINGBULLSHET! nanakaw ang aking pera sa sisidlan ko sa aking kwarto!! at wala akong choice kundi ang mamuraot ng baon sa mga kaklase at ang mga ginagamit kong phrase ay ang mga sumusunod:

1.PASUBO!
2.PAKAGAT!
3.PAHINGE!
4."kung hindi ka madamot ay magbibigay ka!"
5.UY! Libre mo ko! libre rin kita next week
6.UY! BESPREN! pautang naman oh! bayaran kita next week!

o kaya bigla nalang akong manghuhugot ng pagkain sa mga kaklase ko at sabay magtatago sa likod ng iba pang mga kaklase upang sila ang mapagbintangan sa kademonyohang ginawa ko >:]

isa sa mga nasa isip ko ngayon ay kung pano ako makakapagcome up ng isang litrato na mala model ang dating ko :] mahirap kumuha ng magandang anggulo sa mukha kong to kasi iniiwasan kong makunan ng camera ang mukha kong mala-bulubundukin ng Sierra Madre.. at kung hindi naman to inaatake ng mga pimples ay inaatake naman ako ng mala frying pan kong mukha dahil sa napakadaming mantika nito.. at kung kukuha ako ng litrato at itatapat ko sa araw ay pustahan! magmumukha akong isang ilaw dahil sa kinang ng katas ng mga dumi sa aking mukha! -,-

matagal na rin ako hindi nakapagpost at nakapagupdate sa pangaraw-araw kong buhay kaya marami na rin akong nakaligtaan na mga dapat na ipopost ko pero sadyang inatake lang ako ng katamaran at nawalan ng gana sa pagtatype ng mga saloobin at laman ng aking utak at damdamin..

nung isang araw nga pla.. ay nung sabado pala! mabaliwbaliw ako sa kakatawa dahil yung kapatid ko ay kinukwentuhan ako tungkol sa UTI [Urinary Track Infection].. kasi sabi ng kapatid ko.. nakakamatay daw ang UTI nakita daw nya sa palabas na MEL ANG TIANGCO.. bongga! may bagong palabas ang channel 7 at di ko alam kung ano ang nangyari kay joey de leon >_<" at baka natanggal na siya sa dating palabas na MEL AND JOEY at nagtaka ako kung talagang nagdecide na si Mel na gumawa ng palabas na solong solo nya na walang kasama.. uy joke lang! dami naniwala amp

tapos nung sabado rin yun! nagkaroon nga pla kami ng drinking session at lasing daw ako! sa tingin ko naman ay hindi! kasi nakakaintindi pa ako! at straight ako maglakad! [i think] pero pa X na raw ako maglakad =)) lintek! d ko alam yun! hahaha amp!

nung friday naman nagkaroon kami ng CADT! ayun! balik pacommandcommand ako na sa tingin ng iba ay madali pero masakit sa lalamunan! nakakapaos! UBER! tapos nagumpisa na ang mga 3rd year na mag MOCC ang mga magiging future opisers ng CADT! :] hahaha ayun! trinaining ko ang mga cadets ko na hindi tumawa sa pamamagitan ng paghaharap nila at magtitinginan sila sa mata tapos ang tumawa DOWN! wooooo! sana d na kayo tumawa next time! hahaha!

so... ayun! hanggang dito muna! sana hindi naman kayo nalito sa mga pinagsasabi ko NO!

ciao
marklovestokram

No comments: