Friday, August 1, 2008

kinakatatakutan

ang bawat tao ay may kinakatakutan o fears.
kahit siguro ang pinakamacho at pinakamatipunong tao sa mundo ay mayroong kinakatakutan.
sinungaling ang taong nagsasabing wala siyang kinakatakutan.

ako sa sarili ko ay aware ako na meron akong mga kinakatakutan na bagay.
isa na rito ang pagkakaroon ko ng ACROPHOBIA o ang takot sa matataas na lugar.
bawat oras o pangyayari na nasa mataas na lugar ako ay hindi ko alam ang aking gagawin at mas nanaisin ko nalang bumaba kaysa sa patuloy ko pa akyatin ang inaakyat kong mataas.

isa pa sa aking mga kinakatakutan ay ang mga multo o PHASMOPHOBIA.
nung bata ako ay talagang sobrang matatakutin ko sa multo at kung papakitaan mo ko ng mga pictures ng multo. hindi ko alam talaga kung paano nagumpisa ang takot ko sa multo at sa bawat mapupuntahan kong tahimik at madilim na lugar ay naiisip kong may susulpot ng nakakatakot na imahe oh mga tunog na hindi kanaisnais para sa aking pandinig. lalo na pag holloween na nagiging bulungbulungan ang madalas na pagpaparamdam ng mga maligno't ispirito sa paligid.. dahil pag november daw ay mas malakas magparamdam at magpakita ang mga nasabing nilalang.

habang ako ay nagbabasa ng mga iba't ibang uri ng PHOBIAS o takot.. marami akong nakitang medyo kakaiba.. tulad ng

Russophobia - Fear of Russians --
the HECK?! may phobia pala para sa mga ruso o russian sa mas madaling salita... hindi ko expect na may ganito pero para sakin lang naman.. anung sense kung matatakot ka sa mga mabibigote at mayroong maiitim na kilikiling mga ruso! pwede ka siguro matakot sa tangkad at kanilang mga BUHOK sa katawan pero hindi naman siguro aabot sa puntong PHOBIA na ang takot mo..

Rhabdophobia - fear of magic wand -- AMP! sa tingin mo buhay talaga si Harry Potter at kailangan mo matakot sa magic wand? o kay Voldemort? SUSME NAMAN! pangbatang takot lang naman siguro to!.. pano ka naman siguro maaatake ng magic wand kung sa buong history naman ng mundo eh wala namang nabalitaang magic wand na naglalabas ng mga spells na nagpapabago ng anyo.. at nagpapaitim ng kilikili at singit.. kaya sa mga may takot talaga dito.. tigilan nyu na yan! magisip kayo ng mabuti! hindi totoo ang magic!

Basophobia o Basiphobia - Fear of walking -- umupo ko nalang!

yan ang mga nakita ko sa mga nakita kong kakaibang mga fears of phobia ng mga tao..
maipapayo ko lamang na harapin nyu ang inyong takot.. na may dignidad, pagpupursigi at mabangong kilikili.. hindi mahirap tanggalin ang mga takot sa ating sarili.. maniwala tayong kaya natin!
Kaya natin to!

gusto ko malaman kung san kayo natatakot :]
SHARE! :]

HATAW NA!

hanggang dito nalang muli..

ciao
marklovestokram

1 comment:

tadong daniel said...

Peyborit ko to! haha. Sana nga pwedeng piliin ang kinatatakutan! hahaha