Sunday, August 10, 2008

Heben en Urrt :]

Ang pinakahihintay ng wala
Ang pinakaaabangan na bagong post
Ang mas pinasarap
Mas pinalasa
Mas pinalutong
At mas.. ay ewan!

Ngayon ko uumpisahan ang storya na matagal ko na binabalak gawin, pero d ko alam kung bakit ngayon ko lang naumpisahan to. Marahil wala lang talaga akong oras o masyado lang akong tamad.
Ang aking storya ay naka Script-Form o sa madaling salita, ay parang dialogue. Lahat ng nangyayari ay sinasabi ng tagapagsalita upang mas maintindihan ng tao ang nangyayari at hindi mapapatanong sa mga katagang "ooh" at "aahhh sige pa!" na hindi naman nila alam kung ang nangyayari ay isang uri ng pagkatamasa ng ginahawa o isang mahalay na pangyayari.

Isa pa pla! Nung nasabi ko ang plot nito sa mga kaklase ko, Iba ang sinabi ko. Kaninang hapon ko lang binago :].




Narrator: "Ang ating kwento ay naguumpisa sa isang eksena kung saan ang magkaibigang Miki at Lani ay magkasama sa ilalim ng puno habang break ng unang araw ng klase"

Miki: "Hay nako Lani! nagugutom ako ngayon at nakatingin ako sa pagkain mo ngayon!"

Lani: "Grabe ka naman! Wag mo naman tignan ang pagkain ko habang nilalayo ko ito sayo!"

Miki: "Di pa ako nakakakain kaya huwag mo na ilayo ang pagkain mo! nakatingin ako sa pagkain mo at gusto ko itong agawin! Bilis! matatapos na break time natin! inaangat ko ang braso ko ngayon at tinitignan ko kung anong oras na! sabi sa orasan ko mag-aalasdiyes na ng umaga at ako ngayon ay may nagulat na mukha"

Lani: "O sige na nga! papayagan na kita kumagat sa kinakain ko! Ayan! inaabot ko na ang pagkain ko at kinukuha mo ito gamit ang iyong mga kamay at nagmamadali na parang sampung taon na hindi nakakain!"

Miki: "Ang sarap naman nitong pagkain mo! Ayan! alas diyes na ng umaga at nagriring na ang bell! Ako ay nagmamadali ngayon at pupunta na ako sa aming pila!"

Lani: "Uy! hintayin mo ako habang pilit kong kinakapitan ang iyong kamay!"

Miki: "Bilisan natin! baka magalit satin si Mr. Cruz! alam mo naman yun! mainitin ang ulo!"

Lani: "Buti nakaabot tayo sa pila! Pasimple ka nalang kumain ng tinapay habang tayo ay umaakyat ngayon sa ating classroom sa ikaapat ng palapag!"

Miki: "Grabe! Ang sarap lagi ng baon mo! Kahit last year eh masarap! Mas sumarap pa ngayon! Ako'y nabubusog na at hinahawakan ko ang aking tiyan sa sobrang kabusugan!"

Lani: "Ibigay mo na sakin yang natirang baon baka mahuli tayo ni Sir! Bilisan mo habang papasok tayo ng pinto ngayon!"

Miki: "Binibigay ko ngayon ang natirang baon sayo! nang biglang napunta ang atensyon ko sa mga taong nasa baba! Ako ngayon ay nakatingin sa baba at tinitignan ko ang mga 4th year students na magrecess. Grabe! Tignan mo! Nakatingin ako ngayon sa isang lalaking ngayon ko palang nakikita sa buong buhay ko! Bagong estudyante ba siya?"

Lani: "OO! baong estudyante ata! alam ko ang pangalan niya ay..."




hep hep hep!! hanggang dun muna :]]
Anu kaya ang pangalan nung lalaking nakita nila?
Anu ang magiging role nya sa ating kwento?
Anu kaya ang mga katangahang mangyayari sa karakter na ito?

Abangan..

No comments: