Thursday, August 7, 2008

usapang ebak



isang napakaespesyal na usapan ang magaganap sa ating blog ngayon..
ang mga tao ay nangangailangan kumain..

tulad natin.. tayo din ay kumakain..

tayo ay lumulunok ng iba't ibang uri ng pagkain..

ngunit.. anu man ang kainin mo..

konti man o marami..

maanghang man o hinde..

panis o hinde..

mahal man o mura..

liquid man o solid..

hindi maiiwasan ang biglang pagsakit ng tiyan..

ang nagbabadyang kumawala sa isang preso..

at mararamdaman mo..

hindi maipaliwanag..

natatae ka na pla..


--"Teacher! Anu po ba yung tae?!"

--"Mga bata! ang tae ay yung lumalabas sa pwet natin pagkatapos natin kumain!"

--"E dba teacher ang tawag dun ay POOPOO?!"

--"Oo! pwede din yun! maraming tawag sa tae at marami din itong uri!"

--"Ha?!"


ngayon ay bubuksan ko ang inyong isipan sa isang bagay na mukhang simple ngunit hindi mo iisipin na komplikado pala.. lilinangin ko ang inyong kaisipan at bubusugin ko ang mga utak nyo ng mga
impormasyong pangedukasyonal at pangkalokohan.. ipapaalam ko sa inyo kung ano ang dapat nyong
malaman sa salitang..



"TAE"


Ano nga ba ang tae?!


ang tae ay isang substance na ginagawa sa ating tiyan..

ang paggawa ng tae ay may pinagmumulan at dumadaan sa iba't ibang proseso bago mabuo..

ang tae ay nagmula sa mga organikong mga bagay na nilalaman sa sikmura ng tao sa araw-araw..

ang mga nakonsumong mga organikong substance ay dumadaan sa tiyan ng tao pagkatapos ito
makonsumo..

pagkatapos ay hahatiin ang organikong substance na ito..

hinihiwalay ang sustansya sa dumi..

at ang dumi ay dumadaan sa ating mga
intestines o sa mas madaling salita ay Isaw..
pagkatapos nito dumaan sa isaw ay ito ay lalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng prosesong
pagtae..


ang mga tae ay merong nagiisang magkakaparehas na katangian at ito ang pagiging mabaho ng mga ito..

bakit nga pla MGA ang sinabi ko?

dahil! maraming uri ang tae!

ang mga uri ng tae ay ang mga sumusunod:




1. Normal
- ung simple lang. brown. buo. di masyado mabantot. generic tae. usually 2-3 lang ang lumalabas na ganito. pag isa lang, sayang ung oras ng pagtae mo. ipunin mo muna bago mo ilabas. pag lumampas ng 3. matakaw ka.

2. Nana
- ung may green. kadiri to. kaya di ko na masyado dedescribe.
usually may sakit ka pag meron ka neto.

3. Burutot

- basag. tubig. minsan one shot lang to. pag upo mo. broooooot. hugas. flush. tayo. tapos.

4. Tubol

- malaking malaking tae na buo. parang buong kamote ba.

5. Tubols

- hindi plural ng tubol. eto ung parang tae ng kambing. hindi yata talaga tubols tawag e. kalimutan ko na.

6. Footlong

- di na kelangan idescribe. basta nagttwirl na sa kubeta. footlong na yun. hirap gawin to. kase napuputol talaga minsan. (ang kadiri ko amp)

7. Tibis

- tae ng tao na may consistency na katulad ng ipot ng manok.

8. McArthur

- ito ang pinakasikat na tae. sa ngayon pa lang to narinig, ang mcarthur ay ung taeng napakahirap iflush. "i shall return." ika ni mcarthur. gets?

9. Bugret

- ito yung taeng may carot bits at bell pepper pa, at paminsan ay sangkatutak na buong mais. dilaw na dilaw pa.

10. Burnik

- taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

11. Mekikekkwek

-tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

12. Hudini

-taeng biglang nawawala,wala ka ng ifflush.

13. Yamas

- taeng na sa panty at brief dulot ng UST

14. UST

- utot sabay tae

source: http://jetcijets18.multiply.com/journal/item/11




ngayon ay alam mo na ang iba't ibang uri ng tae..
hindi na tayo magiging mangmang sa mga napakasimpleng bagay..
ngayon ay maaari na nating malaman kung ano ang uri ng ng tae ang meron tayo pagkatapos natin ito ilabas..
ikaw!! tatanungin kita..

"Anong uri ng tae ang meron ka?"

ciao
marklovestokram

No comments: